Format: Contract for New Yaya

Ang kontrata ng trabaho sa tahanan ay napagkasunduan sa pagitan nila:

Pangalan ng Pinaglilingkuran:  
Tirahan:  
Telepono:  
Pangalan ng Kasambahay:  
Tirahan:  
Telepono:  
Birthday/Edad/Civil Status:  
ID at ID number:  

Nagkakasundo sa mga sumusunod na tuntunin at kondisyon:

DETALYE NG KONTRATA NG PAGLILINGKOD SA TAHANAN
Lugar ng Trabaho: Metro Manila, may or may not include vacations within the Philippines
Tagal/Panahon ng Trabaho: Mula Sa:                  December 29, 2018
  Hanggang Sa:         December 28, 2019, extendable upon mutual agreement between both parties
DESKRIPSYON NG TRABAHO AT MGA INAASAHANG MGA SERBISYO SA EMPLEYADO:
Uri ng Trabaho: All around yaya and maid
Mga Tungkulin at Gawain: Bilang yaya:

1.       Bantayan at alagaan ang bata, (Name of Child).

2.       Paliguan, sipilyuhan, hugasan ang pwet pag dumumi, palitan ng damit at diaper as necessary,

3.       Lagyan o painumin ng gamot, as necessary

4.       Ibasta ang mga gamit na kailangan sa eskwelahan (baon, tubig, gatas)

5.       Bihisan, samahan sa pagpasok sa eskwelahan at hintayin hanggang lumabas sa eskwelahan, samahan paguwi pabalik sa condo

6.       Makipaglaro sa bata,

7.       Ipagluto or ipanit ang pagkain, at pakainin sa tamang oras ang bata

8.       Ipasyal sa mga inaprubahang lugar ng may pahintulot ng magulang,

9.       Siguraduhing malayo sa kahit anong pahamak o peligro.

10.    Huwag gutumin, patayin, or walain ang bata.

  Bilang maid:

1.       Maglaba (washing machine sa damit ng amo, OR hand wash kung kinakailangan ang damit ng bata), fold ang damit at ibalik sa tamang cabinet

2.       Panatilihing malinis ang bahay, kasama ang CR at sariling kwarto at banyo

3.       Gawin ang ibang maaring iutos (halimbawa: bumili sa grocery) basta ang mga inuutos ay reasonable, hindi nakakahiya, hindi peligroso, hindi magdudulot ng kapahamakan, hindi malaswa, at may kinalaman lamang sa pagpapanatili ng kaayusan ng bahay, pagmanage ng bahay, o pag-alaga sa bata.

Oras ng Trabaho: Kung weekday at may pasok: 7am – paguwi sa mall, paliguan at pa-tooth brush si baby, Kung weekend  holiday: maaring mag-iba.

Pagkauwi sa bahay at pinaliguan, pina-toothbrush at pinainom na ng gamut si baby, pwede na si yaya magpahinga sa kanyang kwarto.

Araw ng Pahinga (Day Off) – Once a month, 48 hours na diredirecho, sana sa Friday ng gabi ang alis, at Sunday ng balik ng parehong oras. Pag ang employee ay na-late sa pagbalik, naiintindihan niya na maaari siyang kaltasan ng sweldo base sa oras ng kanyang pagbalik.

– Kung hindi kinuha ni yaya ang kanyang rest day para sa buwan na iyon, pwede po niyang i-kolekta para sa masmahabang bakasyon na bayad.

– Pakipaalam ang araw ng rest day 5 days before taking a rest day para makapaghanda ang employer. Pag alis sa bahay lalo na pag rest day, ipapacheck lang ang bag para walang problema.

 

PAGKAIN AT TULUGAN
Pagkain: Ang empleyado ay papakainin ng tatlong beses isang araw. Pwede ring bigyan ng pangmerienda pa minsan minsan. Kung may gusto si yaya na special snacks, siya na po ang bibili para sa kanyang sarili. Walang espesyal na kondsiderasyon na gagawin ang magasawa para sa kagustuhan (preferences) ng empleyado.
Tulugan: Ang empleyado ay bibigyan ng desente at malinis na tulugan. Ang empleyado ay bibigyan din ng access sa sanitary facilities (CR).
Toiletries or Load: – Ang empleyado na ang bahala sa sarili niyang toiletries or load sa cellphone.

– Naiintindihan niya na pwede siyang mag cellphone pag off-duty or pag tulog si baby. Bawal i-post ang mukha ni baby sa social media.

Uniform: Bibigyan ang kasambahay ng sapat na uniporme sa pagsuot habang nanunungkulan. Ok lang mag-tsinelas sa bahay pero po, pag labas, sana po tayo ay magsapatos.

Please wear proper attire at all times: See through shirts, short shorts are not allowed in the household. Pwede poi tong suotin pag rest day.

 

PASAHOD AT BENEPISYO:
Halaga ng Sahod: Php 9,000 bawat buwan
Karagdagang sahod: 1.       13th Month Pay in December

2.       Karagdagang Bonus: depende sa performance ng empleyado.

Takdang Araw ng Bayad ng Sahod: Tuwing 15-30 ng bawat buwan
Government Benefits: Babayaran ng tama ng amo ang employer share ng SSS, Philhealth at Pagibig. Naiintindihan ng kasambahay na siya ay kakaltasan ng employee share.
Mga Basic na Benipisyo: Pag nakatapos ang empleyado ng isang taon, mayroon siyang 5 days of service incentive leave. Maari itong i-convert sa cash.
Medical Assistance Pagbibigay ng unang lunas kapag nagkasakit o nagka injuries habang naninilbihan.
Other Benefits Maari pong dagdagan ng benepisyo ang employee tulad ng dagdag na bakasyon, regalo, pera at iba pa. Pero ito ay kusang galing sa loob ng employer, at hindi dahil kailangan nilang ibigay ang mga ito sa employee.

 

PAGHIRAM NG PERA O PAG ADVANCE NG SWELDO:
Kasunduan tungkol sa pagkakautang, kung meron: Naiintindihan ng empleyado na sinabihan na siya ng amo na bawal siyang mag-advance or mag bale habang nasa serbisyo ng amo. However, hindi ibig sabihin na hindi siya bibigyan ng pinansyal na tulong pag may nangyaring hindi ka nais nais. Hindi ito obligasyon ng employer, pero kusa na lang ibibigay depende sa situasyon.
Kasunduan tungkol sa pagkasira ng gamit, pagkawala ng mga bagay o ng pera: Kapag may nawala o nasirang kagamitan sa bahay, ang empleyado ay binibigyan ng karampatang pagkakataon para magpaliwanag. Kapag pera o alahas ang nawala, ang halaga nung nawalang pera o gamit ay kakaltasin mula sa sahod ng empleyado. Pag natuklasan ng amo na kinuha pala ng empleyado, naiintindihan ng empleyado na pwede siyang ipapulis, ipakulong at kasuhan ng qualified theft at maaaring pababayarin siya ng abugado.

 

MGA IBA PANG KASUNDUAN
1. Ang pagdidisiplina sa bata ay katungkulan ng magulang lamang. Ang bata ay HINDI maaring paluin, kurutin, isubsob, sakalin, pasuin, ikulong sa banyo, ikulong sa balconahe, takutin, intensyunal na paiyakin, ipahiya, sigawan, murahin, pasuin, atbp.  Kapag isa sa mga ito ay napatunayang ginawa sa bata, pinapahintulutan ng empleyado na IDULOG sa barangay and/or sa DSWD ang empleyado para sa child abuse.
2. Kung ang bata ay may sakit at nangangailangan ng paunang lunas, itawag agad sa mga magulang o kaya ay sa Lola, para mabigyan ng ginhawa ang bata. Ang mga pagkakataon kung kelan dapat isugod ang bata sa ospital:

Mataas na lagnat (High fever above 39 degrees Celsius), Kawalan ng malay (Unconscious), Hindi makahinga (difficulty in breathing), Di maipaliwanag na pamamantal (allergies), Naaksidente  may dumugo, Naaksidente at nawalan ng malay, nasagasaan, nabalian ng buto, Hindi makagalaw or makalakad, napaso,

3. Kapag nasa mall, katungkulan ng empleyado na masigurong ang bata ay malayo sa aksidente at kapahamakan, kaya lubos na kailangan ang 100% na atensyon ng empleyado sa bata. Mahigpit na ipinagbabawal na gumamit ng cellphone (text at call), kapag inaalagaaan ang bata, lalo na sa mall. Pakitutok lang kay baby.
4. Ang empleyado ay papahiramin ng cellphone at SIM card na ang pangunahing gamit ay para magkaroon ng komunikasyon ang empleyado at ang magasaawa. Ang cellphone ay palaging dapat may charge/battery. Huwag gamitin para sa personal na pagtext or pagtawag. Pag ginamit siya sa personal, naiintindihan ng employer na may x5 ang charge sa billing.
5.  Kami ay humihiling ng 30 days na abiso para sa paghinto sa trabaho para makahanap ang employer ng kapalit. Sa 30 days na ito, gagawin pa ng kasambahay ang kanyang tungkulin sa maayos na paraan. Pag tapos na ng 30 days at wala pang nahanap na kapalit ang employer, walang obligasyon na ang kasambahay para manatili sa trabaho.
 
6. Kapag inabandona ng empleyado ang bata na si (Child Name) habang ang bata ay walang kasama sa eskwelahan o sa bahay at nasa pangangalaga dapat ng empleyado bilang taga-pangalaga ng bata, pinahihintulutan ng empleyado na maghain ng kasong CHILD ABANDONMENT ang magasawa laban sa empleyado.

Child abandonment occurs when a parent, guardian, or person in charge of a child either deserts a child without any regard for the child’s physical health, safety or welfare and with the intention of wholly abandoning the child, or in some instances, fails to provide necessary care for a child living under their roof.

PAKATANDAAN J “Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao.  Sapagkat si Cristo ang Pan+ginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantimpalang inilaan niya para sa inyo.” – Mga Taga Coloso 3:23-24

Pinagkasunduan at nilagdaan ngayong December 28, 2018

 

_________________________                      ____________________________

Download PDF Contract Here: New Maid Contract Format

 

 

Advertisements

About Tina

I'm a forgetful person. But I think a lot. Every day, a lot of thoughts enter my head. That's why this blog came to be: first, to keep my memories alive through the years, and two, to actually see how I and my thoughts have changed. Please note that I seldom draft or edit my posts. Sometimes, if I'm not careful, I offend some of you, my readers. And while I apologize for making you feel uncomfortable, I am not sorry for being honest or for making well-intentioned mistakes. I will however be the first to admit if I change my mind. Hence, do read and proceed with caution. My life is as colorful and as boring as you make it. I complain many days, but offer some encouragement in others. Life is fluid, it changes. So keep the positives and throw away the negatives, and I do hope that at the end of the day, you will enjoy reading the blog and leaving comments here and there if my posts touches you. Happy reading!
This entry was posted in Reference, Yaya Problems. Bookmark the permalink.

3 Responses to Format: Contract for New Yaya

  1. Lindsey says:

    Doesn’t the Kasambahay Law require one day off per week? https://www.dole.gov.ph/files/Q%20&%20A%20on%20Batas%20Kasambahay%20(RA%20No%2010361).pdf

  2. Lindsey says:

    Oh I see you just convert the two days into cash payment

Leave a Reply